La Ligne d’urgence est opérationnelle 24h/24, 7j/7. Si vous avez besoin d’aide, appelez le 1 833 900-1010 ou utilisez la fonction Tchat sur ce site internet.

Makipag-ugnay sa Amin – Tagalog

Kung sa palagay mo ay maaaring naging isang biktima ka ng pagtatrapiko ng tao o sa palagay ay may ibang taong naging, maaari kaming makatulong. Ang mga Tagapagtauyod ng Hotline Response (Hotline Response Advocates) ay makukuha 24/7/365 at ang suporta ay makukuha sa higit sa 200 mga wika. Maaaring iugnay ng hotline ang mga tumatawag sa mga lokal na tagapagbigay ng serbisyo at/o mga serbisyong pang-emerhensiya sa mga komunidad sa buong Canada.

Tumawag sa: 1-833-900-1010

Maaari ka ring mag-email sa amin sa hotline@ccteht.ca. Ang hotline ay hindi nagbubukas ng mga website/URL link o mga attachment. Mangyaring ilarawan, sa loob ng email, ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa iyong alalahanin.

Mga tip sa pag-uulat

Kung nais mong mag-ulat ng isang posibleng kaso ng pagtatrapiko ng tao, pakitawagan ang 1-833-900-1010, o magsumite ng tip online.

Ang lahat ng komunikasyon sa Canadian Human Trafficking Hotline ay mahigpit na kumpidensiyal. Basahin ang aming Patakaran sa Pagkapribado dito.

 

Ano ang pagtatrapiko ng tao (human trafficking)?

Ang pagtatrapiko ng tao ay isang pagsasamantala sa mga tao para makinabang. Ang pagtatrapiko ay maaaring umiral sa maraming mga paraan at kadalasan ay nagsasali ng mga biktima na pinipilit na magbigay ng mga sekswal na serbisyo o trabaho sa pamamagitan ng puwersa, pananakot, panlilinlang at/ o pag-abuso sa tiwala, kapangyarihan o awtoridad. Ang pagtatrapiko ng tao ay samakatuwid nagreresulta sa malaking pisikal, sikolohikal, at emosyonal na trauma sa mga biktima.

Sa kabila ng mga karaniwang alamat, ang pagtatrapiko ng tao ay hindi nangangailangan na ang mga biktima ay tumawid sa mga pambansang hangganan. Maaari itong isakatuparan ng isang solong indibidwal, ng isang grupo, o sa pamamagitan ng organisadong mga kriminal na network. Maaari rin itong gawin ng isang kumpanya o employer.

Ang mga karaniwang palatandaan ng pagtatrapiko ng sex ay:

  • Kinokontrol, may isang taong nagsasalita para sa kanila
  • Nagdadala ng bago o mamahaling mga kalakal/salapi na lagpas sa mga pinansiyal na kakayahan
  • Mga palatandaan ng pag-aabuso, kakulangan sa nutrisyon, at/o pag-aabuso ng droga
  • Walang akses sa pera, telepono o mga dokumento ng pagkakakilanlan (ID)
  • Nakasulat, mapang-iwas o ensayadong mga sagot
  • Matatakutin, nababahala, depensibo, malihim
  • Pagkahiwalay mula sa pamilya/mga kaibigan
  • Bagong grupo ng kaibigan, bagong interes na pag-ibig

 

Ang mga karaniwang palatandaan ng pagtatrapiko ng trabaho ay:

  • Pinipilit na magtrabaho para sa maliit o walang bayad
  • Ipinagkakait ng tagapag-empleyo ang mga dokumento ng pagkakakilanlan
  • Ang trabaho ay iba sa ipinangako
  • Ang mga kondisyon ng pamumuhay ay mas mababa sa pamantayan o mapanganib
  • Nagpapakita ng mga palatandaan ng pag-aabuso, kakulangan sa nutrisyon, hindi maayos na personal na kalinisan
  • Matatakutin, nababahala, nakahiwalay
  • Limitado ang paggalaw, kinokontrol
  • Pinipilit magbayad na pabalik ng utang at/o iligal na bayad para sa pagrerekluta

 

Ang mga karaniwang palatandaan ng pagkaalipin sa tahanan ay:

  • Ipinagkakait o hindi binabayaran ng tagapag-empleyo ang bahagi o anumang mga kita
  • Ang mga oras ng pagtatrabaho ay labis at hindi sinusunod ang mga batas ng trabaho, kabilang na ang kakulangan ng bayad para sa overtime, walang mga pahinga o oras na walang trabaho, at hindi sapat na oras ng pagtulog
  • Ang mga sahod, mga oras, at/o uri at halaga ng trabaho ay hindi kagaya ng ipinakita sa isang kontrata, patalastas ng trabaho o pagrerekluta
  • Ang mga dokumento ng pagkakakilanlan ay kinuha ng tagapag-empleyo
  • Ipinagkakait ng tagapag-empleyo ang paggamit sa mga pangangailangan na tulad ng malinis at pribadong mga kuwartong tirahan, pampalusog na pagkain, at pangangalagang medikal
  • Inihihiwalay o ikinukulong ng tagapag-empleyo ang manggagawa mula sa pagpunta sa pamilya, mga kaibigan, mga kapitbahay, at mga panlabas na kontak tulad ng mga bangko, mga medikal na klinika, at mga serbisyong pampananampalataya
  • Emosyonal na tinatakot at minamanipula ng tagapag-empleyo ang manggagawa kabilang ang pananakot na kaugnay sa estado ng visa, mga awtoridad ng imigrasyon, o pulis
  • Kinakailangan ng manggagawa na bayaran ang mga gastos na may kaugnayan sa pagrerekluta, paglalakbay, at iba pa
  • Pisikal at/o sekswal na sinasalakay o ginugulo ng tagapag-empleyo ang manggagawa, o pinagbabantaan na gagawin ito
  • Tinatakot ng tagapag-empleyo na saktan ang pamilya o mga kaibigan ng manggagawa
  • Ang manggagawa ay nakalantad sa mapanganib na mga kondisyon sa pagtatrabaho